Posts

Showing posts from November, 2018

Paggamit ng Gadgets, Mabuti nga ba?

Image
          Taon-taon, ipinagdiriwang ng ESP department sa ating paaralan ang ESP Month Celebration upang ipagdiwang nating mga studyante ang kahalagan ng mga mabubuting asal. Sa taong ito ang ESP Month Celebration ay may temang "Mapanuring Paggamit ng Gadget:Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa". Ang temang ito ay nangangahulugan na ang teknolohiya ay ginawa upang mapadali at mapadalas ang gawain. Ito ay ginawa upang makatulong ngunit marami ang gumagamit nito upang makasira sa buhay ng ibang tao, ginagamit ng mga taong mayroong tanim sa sama ng loob tungo sa isang indibidwal.           Ang mga gadgets din ang isang paraan upang makipag-ugnayan sa kapwa o tinatawag na pakikipagkomunikasyon ngunit karamihan ng mga may mga social media account, pinopost na lang nila ang kanilang mga saloobin at hindi na nila pinag-uusapan ang kanilang mga problema sa personal. Ang paggamit ng social media ay hindi naman masama ngunit kung nagkakasakitan na ang bawat isa gamit