Paggamit ng Gadgets, Mabuti nga ba?

         

Related imageTaon-taon, ipinagdiriwang ng ESP department sa ating paaralan ang ESP Month Celebration upang ipagdiwang nating mga studyante ang kahalagan ng mga mabubuting asal. Sa taong ito ang ESP Month Celebration ay may temang "Mapanuring Paggamit ng Gadget:Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa". Ang temang ito ay nangangahulugan na ang teknolohiya ay ginawa upang mapadali at mapadalas ang gawain. Ito ay ginawa upang makatulong ngunit marami ang gumagamit nito upang makasira sa buhay ng ibang tao, ginagamit ng mga taong mayroong tanim sa sama ng loob tungo sa isang indibidwal.
          Ang mga gadgets din ang isang paraan upang makipag-ugnayan sa kapwa o tinatawag na pakikipagkomunikasyon ngunit karamihan ng mga may mga social media account, pinopost na lang nila ang kanilang mga saloobin at hindi na nila pinag-uusapan ang kanilang mga problema sa personal. Ang paggamit ng social media ay hindi naman masama ngunit kung nagkakasakitan na ang bawat isa gamit ang kanilang social media account , saka laang ito nagiging masama. Hindi masama ang magpahayag ng damdamin, ngunit hindi ito makabuluhang rason sa paninira sa iba, ang pagbibigay ng isang opinyon sa isang isyu ay hindi nakakasama kung ito ay nananatili lamang na opinyon at hindi ang sadyang pinapatamaan ang iba, kung mayroon sanang problema ang isang indibidwal sa ibang indibidwal, dapat nila itong solusyunan agad at pag-usapan nang maigi.
          Sa huli, ang paggamit ng mga gadgets ay nakakasama kung ginamit sa kasamaan, ngunit ito rin ay nakakabuti kung gagamitin sa kabutihan, bilang indibidwal dapat alamin ang mga dapat at di dapat gawin, ang tama at ang mali sa paggamit ng teknolohiya. Gamitin upang mapalapit at huwag para mapalayo.

Comments

Popular posts from this blog

Importance of Planting

My 3rd Quarter