Wikang Filipino, Ating Ipagmalaki

          Ako si Arjen Rabino, isang mag-aaral mula sa Ilocos Sur National High School at ako'y nasa ika-sampung baitang, at gagawa ako ng sanaysay tungkol sa Buwan ng Wika.  Para madagdagan pa ang ating kaalaman ukol dito, ano nga ba ang ibig sabihin ng Buwan ng Wika? at bakit nga ba mahalga ito sa ating bansa? nakakatulong ba ito sa pag-unlad ng ating bansa? Upang maliwanagan pa tayo ng konti, nasa ikalawang pangungusap ang mga sagot nito.
          Ang Buwan ng Wika ay ating ginugunita tuwing buwan ng Agosto. Ito ay ang pagpapahalaga natin sa ating pambansang wika, ang wikang Filipino. Ukol sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansans isda". Ito ang nagpapaalala sa atin na kailangan nating mahalin ang ating pambansang wika ng buong pagmamahal dahil kung mamahalin mo ang ating wika, ikaw ay nagpapakita na ikaw ay isang makabayan. Ang ating wika ay napakahalaga sa atin dahil nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa isa't isa, pero kung wala tayong wika, magkakagulo-gulo tayo at hindi tayo ay hindi magkakaunawaan.
          Ang tema ngayong Buwan ng Wika ay "Filipino:Wika ng Saliksik". Ito ay kumikilala sa ating pambansang wika bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunugan at kaunlaran. Ito rin ay kumikilala sa atin bilang pagkaPilipino na ipinagmamalaki ang ating pambansang wika sa iba't ibang lugar. Nangangahulugan din ito ng ating pagkakaisa, pagbabayanihan at pagtutulungan sa ating bansa.
       


Comments

  1. Ang talatang ito ay tumatama sa puso ng bawat Pilipino, ipagpatuloy mo lang kabayan

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Importance of Planting

My 3rd Quarter

Paggamit ng Gadgets, Mabuti nga ba?