Araw ng mga Guro

Taon-taon, ipinagdiriwang natin ang araw ng mga guro ngunit ayon sa Department of Education (DepEd), nagsimula ang pagdiriwang ng National Teacher's month noong September 5, 2018 at matatapos sa October 5 na deklarado bilang World Teacher's day. Kada taon, ang World's Teachers day ay may tema, at ang tema ngayong taon na ito ay "Gurong Filipino: Turo mo, Kinabukasan Ko". Kung saan binibigyang pagkilala ang papel ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal.

Bilang isang mag-aaral, kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa aking kinabukasan. Hindi natin makakamtan ang ating mga pangarap kung walang guro dahil ang guro ay siyang nagsisilbing tulay natin upang tayo ay makapagtrabaho. Kahit sa tingin ng iba na ang guro ay ang pinakamababang uri ng trabaho, hindi pa rin ako naniniwala sa kanila dahil ang isang guro ay ang ating pangalawang magulang na gumagabay, nag-aalaga, nagpoprotekta at nagtuturo ng mga magagandang asal. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong maaabot.

Comments

Popular posts from this blog

Importance of Planting

My 3rd Quarter

Paggamit ng Gadgets, Mabuti nga ba?